Add parallel Print Page Options

12 Sinabi(A) ni Josue sa mga Rubenita, sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases,

13 “Alalahanin ninyo ang salita na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon, na sinasabi, ‘Binibigyan kayo ng lugar ng kapahingahan ng Panginoon ninyong Diyos, at ibibigay sa inyo ang lupaing ito.’

14 Ang inyong mga asawa, mga bata, at mga hayop ay mananatili sa lupaing ibinigay sa inyo ni Moises sa kabila ng Jordan; ngunit lahat ng mandirigma ay tatawid na may sandata sa harapan ng inyong mga kapatid, at tutulungan sila;

Read full chapter