Add parallel Print Page Options

Nasakop ng Israel ang mga Lugar sa Hilaga

11 Nang mabalitaan ni Haring Jabin ng Hazor ang mga tagumpay ng Israel, nagpadala siya ng mensahe kay Haring Jobab ng Madon, sa mga hari ng Shimron at Acshaf, sa mga haring nasa kabundukan sa hilaga, sa mga hari sa Lambak ng Jordan[a] na nasa timog ng Lawa ng Galilea,[b] sa mga hari sa kaburulan sa kanluran,[c] sa mga hari sa baybayin ng Dor sa kanluran, sa mga hari ng mga Cananeo sa silangan at sa kanluran ng Ilog ng Jordan, sa mga hari ng mga Amoreo, Heteo, Perezeo, Jebuseo na nakatira sa kabundukan, at sa mga hari ng mga Hiveo sa ibaba ng Bundok ng Hermon sa lupain ng Mizpa.

Read full chapter

Footnotes

  1. 11:2 Lambak ng Jordan: sa Hebreo, Araba. Ganito rin sa talatang 16.
  2. 11:2 Galilea: sa Hebreo, Kineret.
  3. 11:2 kaburulan sa kanluran: sa Hebreo, Shefela. Ganito rin sa talatang 16.