Font Size
Josue 15:5-7
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Josue 15:5-7
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
5 Ang hangganan sa silangan ay ang Dagat na Patay hanggang sa labasan ng tubig ng Ilog ng Jordan.
Ang hangganan sa hilaga ay nagmula roon sa labasan ng tubig ng Ilog ng Jordan, 6 paakyat sa Bet Hogla, at papunta sa hilaga ng Bet Araba hanggang sa Bato ni Bohan. (Si Bohan ay anak ni Reuben.) 7 Mula rito, papunta sa Lambak ng Acor[a] hanggang sa Debir, at paliko sa hilaga papunta sa Gilgal na nakaharap sa Daang Paahon ng Adumim sa katimugang bahagi ng daluyan ng tubig. At umaabot ito papunta sa mga bukal ng En Shemesh at palabas ng En Rogel.
Read full chapterFootnotes
- 15:7 Acor: Ang ibig sabihin, kaguluhan.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®