Josue 17:9-11
Ang Biblia (1978)
9 At ang hangganan ay pababa hanggang sa batis ng Cana, na dakong timugan ng batis: ang mga (A)bayang ito ay ukol sa Ephraim sa gitna ng mga bayan ng Manases: at ang hangganan ng Manases ay nasa dakong hilagaan ng batis, at ang labasan niyaon ay sa dagat;
10 Ang dakong timugan ay ang sa Ephraim, at ang dakong hilagaan ay ang sa Manases, at ang dagat ay hangganan niyaon; at abot sa Aser sa hilagaan at sa Issachar sa silanganan.
11 At tinatangkilik ng (B)Manases sa Issachar at sa Aser ang (C)Beth-san at ang mga nayon niyaon, at ang Ibleam at ang mga nayon niyaon, at ang mga taga Dor, at ang mga nayon niyaon, at ang mga taga (D)Endor at ang mga nayon niyaon, at ang mga taga Taanach at ang mga nayon niyaon, at ang mga taga (E)Megiddo, at ang mga nayon niyaon, ang tatlong kaitaasan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978