Font Size
Josue 19:32-34
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Josue 19:32-34
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Lupaing Ibinigay sa Lahi ni Naftali
32 Ang ikaanim na pinartihan ng lupa ay ang mga sambahayan ng lahi ni Naftali.
33 Ang hangganan ng lupain nila ay nagsimula sa Helef at sa puno ng terebinto sa Zaananim papuntang Adami Nekeb at Jabneel hanggang sa Lakum, at nagtapos sa Ilog ng Jordan.
34 Mula roon, paliko ito sa kanluran papuntang Aznot Tabor, pagkatapos sa Hukok, hanggang sa hangganan ng Zebulun sa timog, sa hangganan ng Asher sa kanluran at sa Ilog ng Jordan[a] sa silangan.
Read full chapterFootnotes
- 19:34 sa Ilog ng Jordan: Ito ang nasa tekstong Griego. Sa Hebreo, sa Juda, sa Ilog ng Jordan.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®