Add parallel Print Page Options

10 Sapagkat(A) aming nabalitaan kung paanong tinuyo ng Panginoon ang tubig sa Dagat na Pula sa harapan ninyo, nang kayo'y lumabas sa Ehipto; at kung ano ang inyong ginawa sa dalawang hari ng mga Amoreo, na nasa kabila ng Jordan, kay Sihon at kay Og, na inyong lubos na pinuksa.

11 Nang mabalitaan namin iyon ay nanlumo ang aming puso, ni walang tapang na naiwan sa sinumang tao dahil sa inyo, sapagkat ang Panginoon ninyong Diyos ay siyang Diyos sa langit sa itaas, at sa lupa sa ibaba.

12 Kaya't ngayon, sumumpa kayo sa akin sa Panginoon, yamang ako'y nagmagandang-loob sa inyo ay magmagandang-loob naman kayo sa sambahayan ng aking magulang. Bigyan ninyo ako ng tunay na tanda

Read full chapter