Josue 22:21-23
Ang Biblia (1978)
Naging maayos na muli.
21 Nang magkagayo'y sumagot ang mga anak ni Ruben, at ang mga anak ni Gad, at ang kalahating lipi ni Manases, at nagsalita sa mga pangulo ng mga libolibo sa Israel.
22 Ang Makapangyarihan, ang Dios, (A)ang Panginoon, ang Makapangyarihan, ang Dios, ang Panginoon, ay siyang nakatatalastas; at matatalastas ng Israel; kung panghihimagsik nga o kung pagsalangsang laban sa Panginoon, ((B)huwag mo kaming iligtas sa araw na ito,)
23 Na kami ay nagtayo para sa amin ng isang dambana upang humiwalay sa pagsunod sa Panginoon; o kung paghandugan ng mga handog na susunugin o ng handog na harina, o kung paghandugan ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, (C)siyasatin nga ng Panginoon;
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978