Add parallel Print Page Options

Na tinawag ni Josue (A)ang buong Israel, ang kanilang mga matanda, at ang kanilang mga pangulo, at ang kanilang mga hukom at ang kanilang mga (B)pinuno, at sinabi sa kanila, Ako'y matanda na at puspos ng mga taon:

At inyong nakita ang lahat na ginawa ng Panginoon ninyong Dios sa lahat ng bansang ito dahil sa inyo; (C)sapagka't ipinakipaglaban kayo ng Panginoon ninyong Dios.

Narito, aking binahagi (D)sa inyo ang mga bansang ito na nangalabi, upang maging mana sa inyong mga lipi, mula sa Jordan pati ng lahat na bansa na aking inihiwalay, hanggang sa (E)malaking dagat na dakong nilulubugan ng araw.

Read full chapter