Add parallel Print Page Options

At sinabi ni Josue sa bayan, (A)Magpakabanal kayo; sapagka't bukas ay gagawa ng mga kababalaghan ang Panginoon sa inyo.

At nagsalita si Josue sa mga saserdote, na sinasabi, (B)Buhatin ninyo ang kaban ng tipan at magpauna kayo sa bayan. At kanilang binuhat ang kaban ng tipan, at nagpauna sa bayan.

At sinabi ng Panginoon kay Josue, Sa araw na ito ay pasisimulan kong padakilain ka sa paningin ng buong Israel, upang kanilang makilala, (C)na kung paanong ako'y suma kay Moises ay gayon ako sasaiyo.

Read full chapter