Add parallel Print Page Options

10 At sinabi ng Panginoon kay Josue, Bumangon ka; bakit ka nagpatirapa ng ganito?

11 Ang Israel ay nagkasala; oo, kanilang (A)sinalangsang din ang aking tipan na aking iniutos sa kanila; (B)oo, sila'y kumuha rin sa itinalagang bagay, at nagnakaw rin, at nagbulaan din; at sila'y naglagay rin sa kanilang sariling daladalahan.

12 (C)Kaya't ang mga anak ni Israel ay hindi makatatayo sa harap ng kanilang mga kaaway; sila'y tumalikod sa harap ng kanilang mga kaaway, sapagka't sila'y naging sinumpa: ako'y hindi na sasa inyo pa, maliban sa inyong sirain ang itinalagang bagay sa gitna ninyo.

Read full chapter