Add parallel Print Page Options

19 pero sumagot ang lahat ng pinuno, “May sinumpaan na tayo sa kanila sa pangalan ng Panginoon, ang Dios ng Israel, kaya ngayon ay hindi natin sila pwedeng galawin. 20 Ganito ang gagawin natin: Hindi natin sila papatayin dahil baka parusahan tayo ng Dios kapag sinira natin ang sumpaan natin sa kanila. 21 Pabayaan natin silang mabuhay, pero gawin natin silang tagapangahoy at tagaigib ng buong mamamayan.” At ganito nga ang nangyari sa mga taga-Gibeon ayon sa sinabi ng mga pinuno tungkol sa kanila.

Read full chapter