Add parallel Print Page Options

30 Si Jesus ay hindi pa nakarating sa nayon ng mga sandaling iyon. Siya ay nasa dako pa lang na kung saan ay sinalubong siya ni Marta. 31 Ang mga Judio na umaaliw kay Maria sa bahay ay sumunod sa kaniya. Ito ay nang makita nga nila si Maria na dali-daling tumindig at lumabas. Kanilang sinabi: Siya ay pupunta sa libingan upang doon tumangis.

32 Dumating nga si Maria sa kinaroroonan ni Jesus. Nang makita niya si Jesus, nagpatirapa siya sa paanan nito. Sinabi niya sa kaniya: Panginoon, kung naririto ka sana ay hindi namatay ang aking kapatid.

Read full chapter