Add parallel Print Page Options

53 Kaya't mula nang araw na yaon ay pinagsanggunianan nilang ipapatay siya.

54 Si Jesus ay hindi (A)na naglalakad ng hayag sa gitna ng mga Judio, kundi naparoon doon sa lupaing malapit sa ilang, sa isang bayan na tinatawag na Efraim; at siya'y nanahanan doong kasama ng mga alagad.

55 Ang paskua nga ng mga Judio (B)ay malapit na: at maraming nagsiahon sa Jerusalem mula sa lupaing yaon bago magpaskua, (C)upang magsipaglinis.

Read full chapter