Font Size
Juan 2:12-14
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Juan 2:12-14
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
12 Pagkatapos ng kasalan, pumunta si Jesus sa Capernaum, kasama ang kanyang ina, mga kapatid, at mga tagasunod. Nanatili sila roon ng ilang araw.
Ang Pagmamalasakit ni Jesus sa Templo(A)
13 Malapit na noon ang pista ng mga Judio na tinatawag na Pista ng Paglampas ng Anghel,[a] kaya pumunta si Jesus sa Jerusalem. 14 Nakita niya roon sa templo ang mga nagtitinda ng mga baka, tupa at mga kalapati. Nakita rin niya ang mga nagpapalit ng pera ng mga dayuhan sa kanilang mga mesa.
Read full chapterFootnotes
- 2:13 Pista ng Paglampas ng Anghel: sa Ingles, “Passover.” Tingnan sa Exo. 12:1-30 kung paano nagsimula ang pistang ito.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®