Font Size
Juan 21:7-9
Ang Salita ng Diyos
Juan 21:7-9
Ang Salita ng Diyos
7 Kaya ang alagad na iyon na inibig ni Jesus ay nagsabi kay Pedro: Ang Panginoon iyon. Nang marinig ni Simon Pedro na ang Panginoon iyon, isinuot niya ang kaniyang pang-itaas na damit dahil siya ay nakahubad. At tumalon siya sa lawa. 8 Ang ibang mga alagad ay dumating na sakay ng maliit na bangka. Hinihila nila ang lambat na may mga isda sapagkat hindi gaanong malayo sa pampang kundi may dalawang-daang siko lamang ang layo mula sa lupa. 9 Pagkalunsad nila sa lupa, nakakita sila ng mga nagbabagang uling. May mga isdang nakapatong doon. May mga tinapay rin.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International