Add parallel Print Page Options

Ang mga Alagad ay Muling Sumama kay Jesus

27 Nang sandaling iyon ay dumating ang kaniyang mga alagad. Sila ay namangha na siya ay nakikipag-usap sa isang babae. Gayunman walang isa mang nagtanong: Ano ang iyong hinahanap o bakit ka nakikipag-usap sa kaniya?

28 Iniwan nga ng babae ang kaniyang banga at pumunta sa lungsod. Sinabi niya sa mga lalaki: 29 Halikayo, tingnan ninyo ang isang lalaki na nagsabi sa akin ng lahat ng mga bagay na aking ginawa. Hindi kaya ito na ang Mesiyas?

Read full chapter