Add parallel Print Page Options

38 Sinugo ko kayo upang mag-ani ng hindi ninyo pinagpaguran. Ibang tao ang nagpagod at kayo ang nakinabang sa kanilang pinag­paguran.

Maraming Taga-Samaria ang Sumampalataya

39 Marami sa mga taga-Samaria sa lungsod na iyon ang sumampalataya kay Jesus dahil sa salita ng babaeng nagpa­totoo: Sinabi niya sa akin ang lahat ng mga bagay na aking ginawa.

40 Kaya nga, nang pumunta kay Jesus ang mga lalaking taga-Samaria ay hiniling nilang siya ay manatili na kasama nila. At siya ay nanatili roon ng dalawang araw.

Read full chapter