Font Size
Juan 4:50-52
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Juan 4:50-52
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
50 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Humayo ka na, mabubuhay ang anak mo.” Naniwala ang lalaki sa sinabi ni Jesus at siya'y umalis na. 51 Habang siya'y naglalakad, sinalubong siya ng kanyang mga lingkod at ibinalita sa kanya na magaling na ang anak niya. 52 Tinanong niya sila kung anong oras ito gumaling, at ang sabi nila, “Ala-una[a] po kahapon nang mawalan siya ng lagnat.”
Read full chapterFootnotes
- Juan 4:52 Ala-una po kahapon: Sa Griyego, ikapitong oras.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.