Add parallel Print Page Options

16 Kaya't sumagot si Jesus, “Hindi sa akin ang itinuturo ko, kundi sa kanya na nagsugo sa akin. 17 Ang sinumang naghahangad na gawin ang kalooban ng nagsugo sa akin ay makaaalam kung ang itinuturo ko ay galing sa Diyos o nagsasalita lamang ako mula sa sarili. 18 Ang nagsasalita mula sa kanyang sarili ay naghahangad ng sariling karangalan. Ngunit ang nagsisikap na parangalan ang nagsugo sa kanya, ang taong ito ay tapat, at hindi nagsisinungaling.

Read full chapter