Font Size
Juan 8:42-44
Ang Salita ng Diyos
Juan 8:42-44
Ang Salita ng Diyos
Ang mga Anak ng Diyablo
42 Sinabi nga ni Jesus sa kanila: Kung ang Diyos ang inyong Ama, ibigin sana ninyo ako sapagkat ako ay nagmula at dumating mula sa Diyos. Hindi ako narito sa aking sarili kundi sinugo niya ako.
43 Bakit hindi ninyo nauunawaan ang aking pananalita? Ang dahilan ay hindi ninyo magawang dinggin ang aking salita. 44 Kayo ay sa inyong ama, ang diyablo. Ang mga masasamang hangarin ng inyong ama ang nais ninyong gawin. Siya ay mamamatay-tao buhat pa nang pasimula. Siya ay hindi nananatili sa katotohanan sapagkat walang katotohanan sa kaniya. Kapag siya ay nagsasalita ng kasinungalingan, siya ay nagsasalita sa ganang kaniya. Siya ay sinungaling at ama ng kasinungalingan.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International