Mga Hukom 4:4-7
Ang Biblia (1978)
4 Si Debora nga, na propetisa, asawa ni Lapidoth, ay naghukom sa Israel nang panahong yaon.
5 At siya'y tumahan sa ilalim ng puno ng palma ni Debora, sa pagitan ng (A)Rama at Beth-el, sa lupaing (B)maburol ng Ephraim; at sinampa siya ng mga anak ni Israel upang pahatol.
6 At kaniyang ipinatawag si Barac, na anak ni Abinoam mula sa (C)Cedes-nephtali, at sinabi sa kaniya, Hindi ba ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ay nagutos na sinasabi, Yumaon ka, at pumaroon ka sa bundok ng (D)Tabor, at magsama ka ng sangpung libong lalake sa mga anak ni Nephtali at sa mga anak ni Zabulon?
7 At aking isusulong sa iyo sa (E)ilog Cison, si Sisara, na puno sa hukbo ni Jabin, pati ng kaniyang mga karo at ng kaniyang karamihan; at aking ibibigay siya sa iyong kamay.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978