Font Size
Kawikaan 24:11-14
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Kawikaan 24:11-14
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
… 25 …
11 Huwag kang mag-atubiling iligtas ang walang kasalanan na hinatulan ng kamatayan. 12 Maaaring sabihin mo na wala kang nalalaman sa nangyari, pero alam ng Dios kung totoo o hindi ang iyong sinasabi, dahil binabantayan ka niya at alam niya ang nasa puso mo. Gagantimpalaan ka niya ayon sa iyong mga ginawa.
… 26 …
13-14 Anak, kung papaanong matamis at mabuti para sa iyo ang pulot, ganoon din naman ang karunungan. Sapagkat kung marunong ka, mapapabuti ang iyong kinabukasan at mapapasaiyo ang iyong mga hinahangad.
Read full chapter
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®