Add parallel Print Page Options

Handog ng Pagpaparangal sa Panginoon

Kapag may nag-aalay ng handog ng pagpaparangal[a] sa Panginoon, gagamitin niya ang magandang klaseng harina, at lalagyan niya ng langis[b] at insenso. Dadalhin niya ito sa mga paring mula sa angkan ni Aaron. Kukuha ang pari ng isang dakot na pinagsama-samang harina at langis, at susunugin niya ito sa altar kasama na ang insenso na inilagay sa harina. Susunugin niya ito na pinakaalaala sa Panginoon.[c] Ang mabangong samyo ng handog na ito sa pamamagitan ng apoy[d] ay makalulugod sa Panginoon. Ang natirang harina ay para kay Aaron at sa kanyang angkan, at ito ang pinakabanal na bahagi na mula sa handog sa pamamagitan ng apoy para sa Panginoon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:1 handog ng pagpaparangal: sa ibang salin, handog na pagkain. Ganito rin sa talatang 9.
  2. 2:1 langis: Ito ay nagmula sa bunga ng puno ng olibo.
  3. 2:2 pinakaalaala sa Panginoon: Pag-alala na siya ang nagbibigay ng pagkain o siyaʼy karapat-dapat na tumanggap ng handog.
  4. 2:2 handog … apoy: Tingnan ang “footnote” sa 1:9.