Add parallel Print Page Options

19 At kung ang babae ay agasan na ang umaagas sa kaniyang laman ay dugo, ay mapapasa kaniyang karumihan siyang pitong araw: at lahat ng humipo sa kaniya ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon.

20 (A)At bawa't kaniyang kahigaan sa panahon ng kaniyang karumihan, ay magiging karumaldumal: bawa't din namang kaupuan niya ay magiging karumaldumal.

21 At sinomang humipo ng kaniyang higaan ay maglalaba ng kaniyang mga damit, at maliligo sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.

Read full chapter