Add parallel Print Page Options

13 (A)At ang handog na harina niyaon ay magiging dalawang ikasangpung bahagi ng isang epa[a] ng mainam na harina na hinaluan ng langis, handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy: at ang pinakahandog na inumin niyaon ay alak, na ikaapat na bahagi ng isang hin.[b]

14 At huwag kayong kakain ng tinapay, ni trigong sinangag, ni uhay na bago, hanggang sa araw na ito, hanggang sa inyong madala ang alay sa inyong Dios: siyang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong lahi, sa lahat ng inyong mga tahanan.

15 (B)At kayo'y bibilang sa inyo mula sa kinabukasan ng sabbath mula sa araw na inyong dalhin ang bigkis na handog na inalog: magiging pitong sabbath na ganap.

Read full chapter

Footnotes

  1. Levitico 23:13 Ang isang epa ay katimbang ng 30 litro.
  2. Levitico 23:13 Ang isang hin ay katimbang ng 6 na litro.