Levitico 23:16-18
Ang Biblia (1978)
16 Sa makatuwid baga'y hanggang sa kinabukasan ng ikapitong sabbath, bibilang kayo ng (A)limang pung araw; at maghahandog kayo ng bagong handog (B)na harina sa Panginoon.
17 Sa inyong mga tahanan ay magdadala kayo ng dalawang tinapay na aalugin na may dalawang ikasangpung bahagi ng isang epa[a] ng mainam na harina, at lulutuin na may levadura na (C)pinaka pangunang bunga sa Panginoon.
18 At ihaharap ninyo ang tinapay na kalakip ng pitong kordero ng unang taon na walang kapintasan, at ng isang guyang toro at ng dalawang tupang lalake: mga handog sa Panginoon na susunugin, na kalakip ng kanilang handog na harina, at ng kanilang mga handog na inumin, handog nga na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.
Read full chapterFootnotes
- Levitico 23:17 Ang isang epa ay katimbang ng 30 litro.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978