Add parallel Print Page Options

Sa labas ng tabing ng kaban ng patotoo sa tabernakulo ng kapisanan, ay aayusing palagi ni Aaron, mula sa hapon hanggang sa umaga sa harap ng Panginoon: siyang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong lahi.

(A)Kanyang aayusin lagi ang mga ilawan sa ibabaw ng kandelerong dalisay sa harap ng Panginoon.

At kukuha ka ng mainam na harina, (B)at magluluto ka niyan ng labing dalawang munting tinapay: tigdadalawang ikasampung bahagi ng isang epa ang bawa't munting tinapay.

Read full chapter