Add parallel Print Page Options

Paglilinis ng Tao Matapos Gumaling sa Nakakahawang Sakit sa Balat.

14 1-2 Ito ang mga tuntuning ibinigay ng Panginoon kay Moises tungkol sa paglilinis ng taong gumaling sa malubhang sakit sa balat:

Pagkatapos maipahayag ng pari na ang taoʼy gumaling na sa kanyang sakit, lalabas ang pari sa kampo at susuriin niya ang katawan ng taong iyon. Kung gumaling na nga siya sa kanyang sakit, magpapakuha ang pari ng dalawang malinis[a] na ibong buhay, isang putol na kahoy na sedro, panaling pula, at isang kumpol ng halaman na isopo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 14:4 malinis: Ang ibig sabihin, itoʼy maaaring kainin o ihandog sa Panginoon.