Add parallel Print Page Options

12 At nagulumihanan si Zacarias, pagkakita niya sa kaniya, (A)at dinatnan siya ng takot.

13 Datapuwa't sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Zacarias: sapagka't dininig ang daing mo, at ang asawa mong si Elisabet ay manganganak sa iyo ng isang anak na lalake, at (B)tatawagin mong Juan ang kaniyang pangalan.

14 At magkakaroon ka ng ligaya at galak; at (C)marami ang maliligaya sa pagkapanganak sa kaniya.

Read full chapter