Add parallel Print Page Options

17 Siya ay yayaon sa harapan ng Panginoon sa espiritu at kapangyarihan ni Elias upang ibalik ang mga puso ng mga ama sa mga anak. Gayundin, upang ang suwail ay ibalik sa karunungan ng matuwid at upang maghanda siya ng mga taong inilaan para sa Panginoon.

18 Sinabi ni Zacarias sa anghel: Papaano ko ito malalaman? Ito ay sapagkat ako ay lalaking matanda na at ang aking asawa ay matanda na rin.

19 Sumagot ang anghel at sinabi sa kaniya: Ako ay si Gabriel na nakatayo sa harapan ng Diyos. Sinugo ako upang makipag-usap sa iyo at ipahayag sa iyo ang mabuting balitang ito.

Read full chapter