Add parallel Print Page Options

20 Narito, mapipipi ka at hindi ka makakapagsalita hanggang sa araw na maganap ang mga bagay na ito. Ito ay sapagkat hindi ka sumampalataya sa aking mga salita, na ang mga ito ay matutupad sa kanilang tamang panahon.

21 At ang mga tao ay naghihintay kay Zacarias. Namamangha sila sa kaniyang pagtatagal sa loob ng banal na dako. 22 Nang lumabas siya, hindi siya makapagsalita sa kanila. Napag-isip-isip nila na siya ay nakakita ng pangitain sa banal na dako sapagkat siya ay nakipag-usap sa kanila sa pamamagitan ng mga senyas at siya ay nanatiling pipi.

Read full chapter