Font Size
Lucas 11:33-35
Magandang Balita Biblia
Lucas 11:33-35
Magandang Balita Biblia
Ang Ilaw ng Katawan(A)
33 “Walang(B) nagsisindi ng ilaw upang itago lamang iyon, [o kaya'y ilagay sa ilalim ng banga].[a] Inilalagay ang ilaw sa talagang patungan upang matanglawan ang mga pumapasok sa bahay. 34 Ang iyong mata ang ilaw ng iyong katawan. Kung malinaw ang iyong mata, mapupuno ng liwanag ang buo mong katawan. Ngunit kung malabo ang iyong mata, ang buo mong katawan ay mapupuno ng kadiliman. 35 Kaya't mag-ingat ka, baka ang liwanag na inaakala mong nasa iyo ay kadiliman pala.
Read full chapterFootnotes
- Lucas 11:33 o kaya’y ilagay sa ilalim ng banga: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang mga salitang ito.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.