Add parallel Print Page Options

46 Kaya't sinabi niya, “Kaysaklap ng sasapitin ninyong mga dalubhasa sa Kautusan! Sapagkat pinahihirapan ninyo ang mga tao sa mga pasaning mahirap dalhin subalit ni daliri man lamang ninyo ay hindi iginagalaw upang sila'y tulungan. 47 Kaysaklap ng sasapitin ninyo sapagkat itinayo ninyo ang mga libingan ng mga propeta, gayong pinagpapatay sila ng inyong mga ninuno. 48 Kaya nga kayo ay mga saksi at sinang-ayunan ninyo ang ginawa ng inyong mga ninuno sapagkat pinagpapatay nila ang mga ito at kayo naman ang nagtayo ng kanilang mga libingan.

Read full chapter