Add parallel Print Page Options

Sinabi niya sa kanila, “Ipagpalagay nating isa sa inyo ang pumunta sa isang kaibigan isang hatinggabi at nagsabi, ‘Kaibigan, pahiram naman ng tatlong tinapay; sapagkat isang kaibigan ko ang dumating mula sa paglalakbay at wala akong maihain sa kanya.’ Sinagot naman kayo ng nasa loob na nagsabing, ‘Huwag mo akong gambalain! Nakatrangka na ang pintuan at nasa higaan na ang aking mga anak. Hindi na ako makababangon upang mabigyan ka ng anuman.’

Read full chapter