Add parallel Print Page Options

Sinagot naman kayo ng nasa loob na nagsabing, ‘Huwag mo akong gambalain! Nakatrangka na ang pintuan at nasa higaan na ang aking mga anak. Hindi na ako makababangon upang mabigyan ka ng anuman.’ Sinasabi ko sa inyo, kung hindi man siya bumangon dahil sa kanilang pagkakaibigan, babangon siya upang maibigay ang hinihingi ng kaibigan dahil sa pagpupumilit nito. Kaya't sinasabi ko sa inyo, humingi kayo at kayo ay bibigyan. Humanap kayo at kayo ay makatatagpo. Kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan.

Read full chapter