Add parallel Print Page Options

Ipakikita ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan. Katakutan ninyo siya na pagkatapos pumatay ay may kapamahalaang magtapon sa impiyerno. Oo, sinasabi ko sa inyo, katakutan ninyo siya. Hindi ba ang limang maya ay ipinagbibili sa halagang dalawang sentimo at isa man sa kanila ay hindi pinababayaan ng Diyos? Maging ang mga buhok sa iyong ulo ay bilang nang lahat. Huwag nga kayong matakot, kayo ay higit na mahalaga kaysa sa maraming maya.

Read full chapter