Add parallel Print Page Options

Katulad din ng 18 taong nabagsakan ng tore ng Siloam at namatay. Ang akala ba ninyo ay higit silang makasalanan kaysa sa ibang mga taga-Jerusalem? Hindi! Ngunit tinitiyak ko sa inyo: mapapahamak din kayo tulad nila kung hindi nʼyo pagsisisihan ang mga kasalanan ninyo.”

Ang Punong Hindi Namumunga

Pagkatapos, ikinuwento ni Jesus ang talinghaga na ito: “May isang taong may tanim na puno ng igos[a] sa ubasan niya. Pinuntahan niya ito upang tingnan kung may bunga, pero wala siyang nakita.

Read full chapter

Footnotes

  1. 13:6 puno ng igos: sa Ingles, “fig tree.”