Add parallel Print Page Options

Iyon namang labingwalong namatay nang nabagsakan ng tore sa Siloam, inaakala ba ninyong higit silang makasalanan kaysa ibang taga-Jerusalem? Sinasabi ko sa inyo, hindi! Ngunit kung hindi kayo magsisisi, lahat kayo'y mapapahamak ding tulad nila.”

Talinghaga ng Punong Igos na Walang Bunga

Isinalaysay niya ang talinghagang ito: “Isang tao ang may puno ng igos na nakatanim sa kanyang ubasan. Pinuntahan niya ito upang maghanap ng bunga roon, ngunit wala siyang natagpuan.

Read full chapter