Add parallel Print Page Options

19 Sinabi naman ng isa, ‘Nakabili ako ng limang pares na baka at aalis ako upang subukin ang mga ito. Humihingi ako ng paumanhin.’ 20 Sinabi ng isa pa, ‘Bagong kasal ako kaya't hindi ako makadadalo.’ 21 Pagbalik ng lingkod, iniulat niya sa kanyang panginoon ang mga iyon. Sa galit ng panginoon ng sambahayan ay sinabi niya sa kanyang lingkod, ‘Pumunta ka agad sa mga lansangan at eskinita ng bayan at dalhin mo rito ang mga dukha, mga pilay, mga bulag at mga lumpo.’

Read full chapter