Add parallel Print Page Options

Isipin ninyong kayo ay mayroong aliping nag-aararo o nag-aalaga ng mga tupa. Sino sa inyo ang sa kaniyang pagdating mula sa bukid ay agad na magsasabi: Maupo ka at kumain? Hindi ba ang sasabihin mo pa nga sa kaniya: Ipaghanda mo ako ng makakain? Magbigkis ka, paglingkuran mo ako habang ako ay kumakain at umiinom. Pagkatapos ng mga bagay na ito, ikaw ay kakain at iinom. Pasasalamatan ba niya ang aliping iyon dahil ginawa niya ang mga bagay na iniutos sa kaniya? Sa palagay ko ay hindi.

Read full chapter