Add parallel Print Page Options

Sa lungsod ding iyon ay may isang balo na laging nagpupunta sa hukom at sinasabi, ‘Humihingi ako ng katarungan laban sa aking mga kaaway.’ Matagal ding hindi pinapansin ng hukom ang babae. Ngunit sa kalaunan ay sinabi ng hukom sa sarili, ‘Hindi man ako natatakot sa Diyos o gumagalang sa tao, ngunit dahil lagi akong ginagambala ng balong ito, pagbibigyan ko ang hinihingi niyang katarungan. Kung hindi ay baka mainis pa ako sa madalas niyang pagparito.’ ”

Read full chapter