Add parallel Print Page Options

15 At nangyari, na nang siya'y muling magbalik, nang matanggap na ang kaharian, ay ipinatawag niya sa kaniyang harapan ang mga aliping yaon, na binigyan niya (A)ng salapi, upang maalaman niya kung gaano ang kanilang tinubo sa pangangalakal.

16 At dumating sa harapan niya ang una, na nagsasabi, Panginoon, nagtubo ang iyong mina ng sangpung mina pa.

17 At sinabi niya sa kaniya, Mabuting gawa, ikaw na mabuting alipin: sapagka't nagtapat ka (B)sa kakaunti, magkaroon ka ng kapamahalaan sa sangpung bayan.

Read full chapter