Add parallel Print Page Options

Pumasok si Jesus sa Jerusalem Tulad ng Isang Hari

28 Pagkasabi ng mga bagay na ito, nauna siyang umahon saJerusalem.

29 At nangyari nang papalapit na siya sa Betfage at Betania, patungo sa tinatawag na bundok ng mga Olibo, sinugo niya ang dalawa sa kaniyang mga alagad. 30 Kaniyang sinabi: Pumunta kayo sa nayon na nasa unahan ninyo. Sa pagpasok ninyo sa nayon, masusumpungan ninyo ang isang batang asno na nakatali. Hindi pa iyon nasasakyan ng sinumang tao. Kalagan ninyo iyon at dalhin dito.

Read full chapter