Add parallel Print Page Options

45 Nang hindi siya matagpuan, bumalik sila sa Jerusalem upang hanapin siya. 46 Makalipas ang tatlong araw, natagpuan nila ito na nakaupo sa templo, sa kalagitnaan ng mga guro—nakikinig at nagtatanong sa kanila. 47 Ang lahat ng nakapakinig sa kanya ay manghang-mangha sa kanyang katalinuhan at mga sagot.

Read full chapter