Add parallel Print Page Options

17 at ibinigay sa kanya ang aklat ni propeta Isaias. Binuksan niya ang aklat,[a] at natagpuan ang dako na kung saan ay nasusulat:

18 “Ang(A) Espiritu ng Panginoon ay nasa akin,
    sapagkat ako'y hinirang[b] niya upang ipangaral ang magandang balita sa mga dukha.
Ako'y sinugo niya upang ipahayag ang paglaya sa mga bihag,
    at ang muling pagkakaroon ng paningin sa mga bulag, upang palayain ang mga naaapi,
19 upang ipahayag ang taon ng biyaya[c] mula sa Panginoon.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Lucas 4:17 o balumbon .
  2. Lucas 4:18 o binuhusan ng langis .
  3. Lucas 4:19 Sa Griyego ay katanggap-tanggap na taon .