Font Size
Lucas 4:38-40
Ang Salita ng Diyos
Lucas 4:38-40
Ang Salita ng Diyos
Pinagaling ni Jesus ang Maraming Tao
38 Siya ay tumindig at lumabas sa sinagoga, siya ay pumasok sa bahay ni Simon. Ang biyenang babae ni Simon ay pinahihirapan ng mataas na lagnat. Hiniling nila kay Jesus na pagalingin siya.
39 Tumayo si Jesus sa tabi niya at sinaway ang lagnat at ito ay nawala. Kapagdaka, siya ay bumangon at pinaglingkuran sila.
40 Nang papalubog na ang araw, dinala nila kay Jesus ang mga taong may iba’t ibang karamdaman. Ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa bawat isa sa kanila at pinagaling sila.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International