Add parallel Print Page Options

Ang Tanong tungkol sa Pag-aayuno(A)

33 Sinabi ng ilan kay Jesus, “Madalas mag-ayuno at manalangin ang mga alagad ni Juan. Gayundin naman ang sa mga Fariseo. Ngunit ang mga alagad mo ay kumakain at umiinom.” 34 Kaya't sinabi sa kanila ni Jesus, “Dapat bang pag-ayunuhin ninyo ang mga abay ng ikakasal habang kapiling nila ang lalaking ikakasal? 35 Ngunit darating din naman ang mga araw kung kailan ilalayo sa kanila ang lalaking ikakasal. Sa mga araw na iyon pa lamang sila mag-aayuno.”

Read full chapter