Font Size
Lucas 6:22-24
Ang Biblia, 2001
Lucas 6:22-24
Ang Biblia, 2001
22 Mapapalad(A) kayo kung kayo'y kapootan ng mga tao, kung kayo'y layuan at kayo'y alipustain, at itakuwil ang inyong pangalan na tila masama dahil sa Anak ng Tao.
23 Magalak(B) kayo sa araw na iyon at lumukso kayo sa tuwa, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit, sapagkat gayundin ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta.
24 “Subalit kahabag-habag kayong mayayaman,
sapagkat tinanggap na ninyo ang inyong kaaliwan.