Add parallel Print Page Options

14 Siya'y lumapit at hinipo ang kabaong at ang mga nagbubuhat ay tumigil. At sinabi niya, “Binata, sinasabi ko sa iyo, ‘Bumangon ka.’”

15 Umupo ang patay at nagpasimulang magsalita. At siya'y ibinigay ni Jesus[a] sa kanyang ina.

16 Sinakmal ng takot ang lahat at niluwalhati nila ang Diyos, na sinasabi, “Lumitaw sa gitna natin ang isang dakilang propeta at dinalaw ng Diyos ang kanyang sambayanan.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Lucas 7:15 Sa Griyego ay niya .