Add parallel Print Page Options

Kaya naman sumama sa kanila si Jesus; ngunit hindi kalayuan mula sa bahay ay ipinasalubong na siya ng kapitan sa kanyang mga kaibigan upang sabihin sa kanya, “Panginoon, huwag na po kayong mag-abala pa sapagkat hindi ako karapat-dapat na inyong sadyain sa loob ng aking bahay. At hindi ko rin itinuring na karapat-dapat ang aking sarili na humarap sa inyo. Ngunit ipag-utos po lamang ninyo at gagaling na ang aking alipin. Ako man ay taong nasa ilalim ng kapangyarihan at may mga kawal na nasasakupan. Sabihin ko lang sa isa, ‘Humayo ka!’ at siya ay hahayo. Sa isa naman, ‘Halika!’ at siya ay lalapit. Gayon din sa aking alipin, ‘Gawin mo ito!’ at gagawin nga niya.”

Read full chapter